The Three Legends behind The Suburban Losers.

The Three Legends behind The Suburban Losers.
Join us in our quest as we share stories in a stressful world of college. Read our stories. Be part of being a student, and relate to experiences you'll never forget...you should not.

Thursday, January 15, 2015

Suburban Losers: Ideal Classmate


Yes, nakakailang linggo na pala tayo. Syempre baguhan ka palang. At gaya nga ng sabi ko sa'yo, kelangan mong mag adjust sa mga kapwa mong estudyante na nasa paligid mo. Ayun, may mayabang, may payat at mataba, may isip-bata, may matalino at matalinaw, at may mga nagmamagaling na pwede nang sabihing presidente pagdating ng araw.

Ano ano nga ba ang katangian ng isang 'ideal classmate'? Meron na naman tayong releytabol video na dapat natin mapanuod at masilayan. Galing 'di ba? Lumikha kami ng isang listahan na mga bagay na dapat mong mahanap sa isang "ideal classmate" mo. Malay mo pagkapanood mo nito, at pagka 'share' sa mga kaklase mo eh ikaw pala ang naaayon at nakakaroon ng mga ganitong katangian at mabansagang, "ideal classmate" nila. Ewan ko nalang kung magtatagal na susundin mo ang ganitong mga katangian pero...ewan.

Ikaw, oo ikaw na nakatingin dito. Cute ka pero kailangan mong abangan ang next post. O s'ya sige, recess na muna kayo. Bye!

Wednesday, January 7, 2015

Crush ko po ikaw...yes pasa na!


Ano nga ba pakiramdam nung nagpipigil ka ng nararamdaman sa prof mo tapos hangang-hanga ka dahil magaling siya magturo? Tapos major 'turn-on' pa yung ang taas magbigay ng grade. Hay ang saya, sana lagi nalang klase niya 'no?

Talaga ngang 'di natin maiiwasan yun bilang estudyante. Tao tayo eh. Maski ako na parte ng blog na ito ay minsan nang nakaranas ng ganutong 'dilemma'. Normal na iyan dre! At ngayon tatalakayin natin kung talaga bang nakakatulong ito sa pag-aaral mo o baka naman kaya ka lang pumapasok eh para makita ang prof mo. Kaya tatalakayin natin dito kung ano ang mga bagay ang nakakapagpa-'good vibes' sa mga klase ng profs natin at eventually crush na...aminin mo na po please.

Ayon kay Konrad Glogowsky ng article niya na Passion-based Drawing, may four major reasons kung bakit natin nagiging crush si ma'am at sir. LOL


  • Passionate in teaching
Iba daw talaga ang magiging 'charisma' ng isang prof na eager kang matuto dahil nagpapakita ito ng rason na masarap din naman tanggapin na araw araw kayo magkikita sa loob ng tatlong buwan tapos kung nanamnamin mo yung sinasabi niya sa harapan ay hindi ka niya ibabagsak. "I believe that teachers being passionate in teaching is the key for everything" ika nga. Laro ka nang laro dyan, makinig ka!

  • They keep on explaining
"Repeatedly my students say that when they don't understand the point of an activity or lesson, they lose interest." Iyan ang sabi ni Mr. Glogowsky. Hala lagot kayo! Self explanatory na mga dre, kayo na bahala umunawa. Pasensya na, hindi naman kasi ako prof eh. Hahaha


  • Understanding
Gaya lang ito ng number one reason pero extensyon na ito. Ang sarap magpaguro sa alam mong kahit mas matalino pa ang German Shepherd niyo sa bahay ay 'di ka niya pababayaan. Parang sa relasyon lang, kung walang bibitaw...tiyak alam na this. Kasi ito naman talaga ang dapat maging duties ng prof natin, ang maensure na may natutunan ka talaga sa kanila kasi kumbaga sa laro, ikaw ang trophy count nila. Another term dyan ay mahaba ang pasensya, somehow.

  • Supportive
Eto na, ang 'summarization' kuno ng lahat nang unang nabanggit. Apat lahat sila ganito 'di ba? Kaso karamihan ang taray agad. Buti pa yung prof namin sa blog na ito, mabait(pasa na yan. joke!). Ang isang batang nag-aaral, parang inbox sa text. Kung mabilis mo agad na se-send-an tapos 'di pa sya nakaka-reply. Sa malamang lamang, hindi na niya mababasa yun. Gets ba? Bahala na nga kayo.

So ayan, taas ang puwit ng alam na ito. See you next post mga tropa. Blog class dismissed!

First day class na!


Haaaayy, first day of stressful and painful days of college. I hate this feeling and I know you do the same. Why? I miss the old days during my high school. I know my...whaaaat? Late na ako! Aynako buhay, kolehiyo na kayo. Kongrats! Ano pakiramdam? Nakakakaba 'di ba? Sabi nila 'excited' sila. Huwag ka maniwala dun. May kasabay lang kasi sila na matagal na nila kakilala kaya ganon. Mas lalong hindi sila kakabahan kung magiging kaklase mo pa sila. Alam mo 'yun, OP o out of place ka nalang. Yun tipong hindi mo alam kung matatanggap ka nila at pinakamasama pa nito, yung hindi mo pa alam kung gaano ka mag-aadjust kasi 'di ko pa nga alam ugali nila. Eto pa, pumasok na yung prof niyo. Mukhang matapang ata? Normal na iyan dre dito sa kaledj. Maganda nga yung ganyan para sakin, mamo-tivate akong magpursigido lalo na at open na ang tertiary part ng schooling mo. Alam mo yun, yung pwede ka na gumala sa vacant time mo at marami pang iba. Saka kapag seryoso ang prof mo, trust me, seseryosohin mo din ang klase mo. LOL Okay lang iyan, normal na iyan. Danas na nang lahat nang mabubuting tao ng Pilipinas na nagpursigi na mag-college man lang. Be proud! Atleast nakapasa ka nung highschool mo 'di ba? Yun nga lang kasi maninibago ka sa pagpasok mo sa bagong league na nnapuntahan mo. Pero be proud. Tip lang para sa'yo dre, magpakatotoo ka, mismo! Parang commercial lang. Saka magbago ka na, pero kung 'di mo kaya edi basta sana mabalanse mo ang duties mo bilang 'matured' student at yung kolokoy side mo. Pero kung wala pa din talaga...bahala ka na nga sa buhay mo. Ayaw namin dito ng 'bad influence'. Ge

Suburban Losers: Ang Simula


Heto na! Magdiwang ang lahat! Ang aming kauna-unahang introduction video.

Maraming bagay ang hindi niyo pa nalalaman at hindi pa lahat 'yang nalalaman mo sa buhay kolehiyo. Marami din kaming payo para sa iyo. Sapagkat marahil ay hindi ka na maninibago sa mga naririnig mo na mga thesis at mga proyekto ngunit may mga bagay pa din talagang dapat mo nang malaman upang hindi ka na magulantang at ma-shock sa paghakbang mo dito. 'Yun oh! College ka na, konting basa nalang ng mga posts dito.

Sabi ng mga nakakatanda, upang maging matagumpay ka sa iyong paglalakbay para sa ikauunlad ng iyong buhay, kailangan mong malaman lahat ng bagay na iyong malaman. Kaya nga ang laki ng pasalamat nila samin dahil ipapakita namin dito. Biro lang. Basta ba palagi kang susubaybay sa blog namin eh. Tiyak na nasa mabuti kang daan...ika nga ni PNoy.

Dahil dito, binuo ng tatlong hari este estudyante na sina Daniel Christiane Magpantay, Llyel Cabrera, at si Keon Cubos ang blog na ito para sa'yo at sa kung sinong magbabalak na tumuntong ng 'college'. Kaya ano pa ang inaantay mo, 'buffering' ba yung video? Okay lang sige basta ba papanoorin mo. Salamat kaibigan.

Saturday, January 3, 2015

Welcome to the site!

College is a big box of events and happenings but we can't experience all of them. Lucky for you, we're here to tell you what you might've missed so far. From school day hijinks to love problems, join us as a loner, a heart breaker and a straight-up weirdo share to you the days of our lives. We're the Suburban Losers, and these are our stories.