The Three Legends behind The Suburban Losers.

The Three Legends behind The Suburban Losers.
Join us in our quest as we share stories in a stressful world of college. Read our stories. Be part of being a student, and relate to experiences you'll never forget...you should not.

Wednesday, January 7, 2015

Suburban Losers: Ang Simula


Heto na! Magdiwang ang lahat! Ang aming kauna-unahang introduction video.

Maraming bagay ang hindi niyo pa nalalaman at hindi pa lahat 'yang nalalaman mo sa buhay kolehiyo. Marami din kaming payo para sa iyo. Sapagkat marahil ay hindi ka na maninibago sa mga naririnig mo na mga thesis at mga proyekto ngunit may mga bagay pa din talagang dapat mo nang malaman upang hindi ka na magulantang at ma-shock sa paghakbang mo dito. 'Yun oh! College ka na, konting basa nalang ng mga posts dito.

Sabi ng mga nakakatanda, upang maging matagumpay ka sa iyong paglalakbay para sa ikauunlad ng iyong buhay, kailangan mong malaman lahat ng bagay na iyong malaman. Kaya nga ang laki ng pasalamat nila samin dahil ipapakita namin dito. Biro lang. Basta ba palagi kang susubaybay sa blog namin eh. Tiyak na nasa mabuti kang daan...ika nga ni PNoy.

Dahil dito, binuo ng tatlong hari este estudyante na sina Daniel Christiane Magpantay, Llyel Cabrera, at si Keon Cubos ang blog na ito para sa'yo at sa kung sinong magbabalak na tumuntong ng 'college'. Kaya ano pa ang inaantay mo, 'buffering' ba yung video? Okay lang sige basta ba papanoorin mo. Salamat kaibigan.

No comments:

Post a Comment