First day class na!

Haaaayy, first day of stressful and painful days of college. I hate this feeling and I know you do the same. Why? I miss the old days during my high school. I know my...whaaaat? Late na ako!
Aynako buhay, kolehiyo na kayo. Kongrats! Ano pakiramdam? Nakakakaba 'di ba? Sabi nila 'excited' sila. Huwag ka maniwala dun. May kasabay lang kasi sila na matagal na nila kakilala kaya ganon. Mas lalong hindi sila kakabahan kung magiging kaklase mo pa sila. Alam mo 'yun, OP o out of place ka nalang. Yun tipong hindi mo alam kung matatanggap ka nila at pinakamasama pa nito, yung hindi mo pa alam kung gaano ka mag-aadjust kasi 'di ko pa nga alam ugali nila.
Eto pa, pumasok na yung prof niyo. Mukhang matapang ata? Normal na iyan dre dito sa kaledj. Maganda nga yung ganyan para sakin, mamo-tivate akong magpursigido lalo na at open na ang tertiary part ng schooling mo. Alam mo yun, yung pwede ka na gumala sa vacant time mo at marami pang iba. Saka kapag seryoso ang prof mo, trust me, seseryosohin mo din ang klase mo. LOL
Okay lang iyan, normal na iyan. Danas na nang lahat nang mabubuting tao ng Pilipinas na nagpursigi na mag-college man lang. Be proud! Atleast nakapasa ka nung highschool mo 'di ba? Yun nga lang kasi maninibago ka sa pagpasok mo sa bagong league na nnapuntahan mo. Pero be proud.
Tip lang para sa'yo dre, magpakatotoo ka, mismo! Parang commercial lang. Saka magbago ka na, pero kung 'di mo kaya edi basta sana mabalanse mo ang duties mo bilang 'matured' student at yung kolokoy side mo. Pero kung wala pa din talaga...bahala ka na nga sa buhay mo. Ayaw namin dito ng 'bad influence'. Ge
No comments:
Post a Comment