Talaga ngang 'di natin maiiwasan yun bilang estudyante. Tao tayo eh. Maski ako na parte ng blog na ito ay minsan nang nakaranas ng ganutong 'dilemma'. Normal na iyan dre! At ngayon tatalakayin natin kung talaga bang nakakatulong ito sa pag-aaral mo o baka naman kaya ka lang pumapasok eh para makita ang prof mo. Kaya tatalakayin natin dito kung ano ang mga bagay ang nakakapagpa-'good vibes' sa mga klase ng profs natin at eventually crush na...aminin mo na po please.
Ayon kay Konrad Glogowsky ng article niya na Passion-based Drawing, may four major reasons kung bakit natin nagiging crush si ma'am at sir. LOL
- Passionate in teaching
Iba daw talaga ang magiging 'charisma' ng isang prof na eager kang matuto dahil nagpapakita ito ng rason na masarap din naman tanggapin na araw araw kayo magkikita sa loob ng tatlong buwan tapos kung nanamnamin mo yung sinasabi niya sa harapan ay hindi ka niya ibabagsak. "I believe that teachers being passionate in teaching is the key for everything" ika nga. Laro ka nang laro dyan, makinig ka!
- They keep on explaining
"Repeatedly my students say that when they don't understand the point of an activity or lesson, they lose interest." Iyan ang sabi ni Mr. Glogowsky. Hala lagot kayo! Self explanatory na mga dre, kayo na bahala umunawa. Pasensya na, hindi naman kasi ako prof eh. Hahaha
- Understanding
Gaya lang ito ng number one reason pero extensyon na ito. Ang sarap magpaguro sa alam mong kahit mas matalino pa ang German Shepherd niyo sa bahay ay 'di ka niya pababayaan. Parang sa relasyon lang, kung walang bibitaw...tiyak alam na this. Kasi ito naman talaga ang dapat maging duties ng prof natin, ang maensure na may natutunan ka talaga sa kanila kasi kumbaga sa laro, ikaw ang trophy count nila. Another term dyan ay mahaba ang pasensya, somehow.
- Supportive
Eto na, ang 'summarization' kuno ng lahat nang unang nabanggit. Apat lahat sila ganito 'di ba? Kaso karamihan ang taray agad. Buti pa yung prof namin sa blog na ito, mabait(pasa na yan. joke!). Ang isang batang nag-aaral, parang inbox sa text. Kung mabilis mo agad na se-send-an tapos 'di pa sya nakaka-reply. Sa malamang lamang, hindi na niya mababasa yun. Gets ba? Bahala na nga kayo.
So ayan, taas ang puwit ng alam na ito. See you next post mga tropa. Blog class dismissed!

No comments:
Post a Comment